Kung hinihintay pa rin ng iyong transfer ang kumpirmasyon ng bayad, nangangahulugan itong hinihintay naming matanggap ang iyong bayad sa aming corporate account. Kapag natanggap na namin ang mga pondo, ipapadala namin agad ang mga ito sa recipient.
Sa yugtong ito, maaari mo pa ring kanselahin ang transfer sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:
- Pumunta sa iyong history ng mga transfer at piliin ang transfer na gusto mong kanselahin.
- Kung hindi mo pa napipindot ang button na ‘Nagbayad ako’, makikita mo ang opsyong ‘Magbayad o magkansela’. I-tap ito at piliin ang ‘Kanselahin ang transfer’.
- Kung napindot mo na ang ‘Nagbayad ako’, makikita mo ang button na ‘Kanselahin ang transfer’ sa page ng transfer — i-tap lang ito.
- Pumili ng dahilan kung bakit kinakansela mo ang iyong transfer.
Agad na makakansela ang iyong transfer. Kung nabawas na ang pera, ibabalik ito sa loob ng 3 araw ng negosyo.
Pakitandaan na kapag nakumpirma na ang isang bayad, maaaring hindi na posibleng kanselahin ang transfer.
Ano ang itinuturing na araw ng negosyo?
Ang mga araw ng negosyo ay ang mga araw kung kailan bukas ang mga bangko — karaniwang Lunes hanggang Biyernes. Hindi itinuturing na mga araw ng negosyo ang mga weekend at opisyal na holiday, kaya maaaring bahagyang mas matagal maproseso ang mga bayad o refund na ginawa sa mga panahong ito.