Kinansela ang iyong transfer dahil hindi naproseso ang bayad. Maaaring mangyari ito sa iba't ibang dahilan, kabilang ang:
- Hindi nakarating ang mga pondo sa aming corporate account sa loob ng itinakdang panahon na 4 na araw sa kalendaryo.
- May mga pagkakamaling nagawa sa pagsasagawa ng transfer (hal., maling reference o halagang tinukoy para sa transfer).
Kung may nakikita kang withdrawal sa history ng mga transaksyon ng iyong account, kakailanganin mong kumuha ng resibo ng transfer na ginawa mo papunta sa aming corporate account. Mas mainam kung PDF ang resibo, ngunit maaari ka ring magpadala sa amin ng larawan ng pisikal na dokumentong ibinigay sa iyo ng iyong bangko.
Kapag nakuha mo na ang resibo, mangyaring ipadala ito sa amin sa pamamagitan ng live chat o i-email ito sa help@paysend.com. Gamit ang impormasyong ito, mas mauimbestigahan namin ang isyu.